Isang araw sa pagmulat ng aking mata
Ikaw lang ang pipiliin at mamahalin sinta
Bawat araw tila'y nananaginip
Sapagkat sa Diyos ika'y hiniling.
Aamini'y hindi naging madali
Dahil tayo'y may pagkakamali
Pero ito ang ating pinili
At ikaw lang ang laging pinipili.
Bahala na mawala lahat sa akin
Maibigay lang sayo lahat ng meron sakin
Hiling koy wag kang mawalay sakin
Dahil alam kong ibinigay ka ng Diyos sa akin.
Nang relasyong ito'y tila kay saya
Pero ito'y may sakit na dala
Ang hirap pala tanggapin ang mga nangyari
Paulit ulit nalang ba ito mangyayari?
Ang desisiyong ito'y hindi madali
Tila'y sinasabi ng Panginoon ito'y tama o mali
Mahirap ang pinagdadaanan ko
Sana'y makita mo ito.
Natatakot ako na dumating ang isang araw
Na ang pagmamahalang ito'y wala na
Unti unti tayong pinapatay
Puso nati'y wala nang malay.
Aaminin ko unti unti akong nanghihina
Pagnakikita ka'y ito nawawala
Sanay akong ipaglaban ka
Pero sana ikaw naman ang lumaban sa ating dalawa.
Comments
Post a Comment