Sana'y Malaman Mo



Sa isang buhay ng babae

Isa sila sa nagpapangiti

Ngayon ako, ikaw lamang ang gusto

Bakit kaya ako nagkaganito 


Mahirap man isipin na maraming nagmahal sayo

Masakit man isiping nasaktan mo rin ako

Kaya ngayon ako’y nalilito

Wag sanang magtatampo 


Pag-ibig nga ba ang nadarama

Sana naging totoo na

Wag ng mag-atubili pa sinta

One-sided nga lang pero kaya pa 


Pag-ibig nga ba ang nadarama

Bakit di pa malimutan ka

Di ko mahanap ang iba

Sadyang ikaw lang talaga 

Ngunit ikaw ay nagbalik


Ngunit hindi na pareho ng dati

Hi! Hello! Gusto kong sabihin

Sana man lang hindi ka manhid 

Masakit man isiping talagang ika’y iba na


Mahirap man ito aking nadarama

Balang araw unti-unti ka ring mabubura

Huwag sanang magtatampo 

Nakahanap ka man ng iba


Ako’y patuloy pa ring humahanga

Sapagkat ika’y tunay kung mag-mahal

Sana baling-araw matatawag ka ring

“Oh aking mahal”

Comments